Mula sa Kamandag Lyrics

Sang by: Wolfgang

Sanggol ka ng sinilangan
Walang bahid ka ng kasalanan
Inosente sa lahat ng bagay
At walang kamalay-malay

Ngunit... may aninong palapit
Puno ng galit, puot at pait

Ilawan ang daan
ng ligaw na nilalang
Nasaan ang liwanag
Mula sa Kamandag

Mabilis lumipas ang panahon
Ang ngayo'y biglang kahapon
Sundin man ang tamang landasin
Pilit kang lilinlangin

Ang dugo mo'y nilalason
Lumalapot sa bawat taon

Sa paglubog ng iyong araw
Nabuksan ang mga mata
sa mundo'y ika'y nasilaw
Pagsisi'y huli na

Pagasa mo'y malulunod
isip mo'y naging tuod

Other songs of Wolfgang