Ikaw Ang Number 1 Lyrics

Sang by: Willie Revillame
Pag-ibig natin ay parang puto't dinuguan
Tunay na magkabagay kailanman
Parang mangga at bagoong suka at chitcharon
Tayo'y ganyan noon hanggang ngayon

Pag-ibig natin ay kasing tamis ng panutsya
Araw gabi laging magkasama
Parang gulaman at sago
Coke at saka bananaque
Ganyan ang pag-ibig para sayo

Pagkat ikaw ikaw ikaw ang number one
Ikaw palagi magpakailan man
Pagkat ikaw ikaw ikaw ang number one
Pag-ibig ko sayo'y walang hanggan

Sayo'y ipapangako na hindi ka iiwan
Kahit pa may bagyo at may ulan
Ako'y gawin mong kumot
Ikaw ang aking unan
Pagsasaluhan ang pagmamahalan

Other songs of Willie Revillame