Tensionado Lyrics

Sang by: Soapdish


Tensionado, nagulat din ako
Nung malaman na hindi lang pala ako yung
Nanghinayang nung nag-away tayo nun
At natuluyan sa iyakan at tampo

At sandali lang
Wag ka munang magsalita
Di ko hahayaan
Lahat ito ay mawala
Ang iniisip ko
Kung pwede pa ba tayo?

At miserable, paulit-ulit lang
Ang nangyayari, paikot-ikot tayo
Parang bote at nasanay ka na ba dun
At nalimutan ang aking mga tanong

At kung di malinaw
Pwede bang wag kang sumigaw
Di ko hahayaan
Lahat ito ay maligaw
Nagtatanong sa yo
Kung pwede pa ba tayo?

At sandali lang
Wag ka munang magsalita
Bat ko hahayaan
Pati ikaw ay mawala
Nagtatanong sa yo
Kung pwede pa ba tayo?

Other songs of Soapdish