Mata Ng Diyos Lyrics
Sang by: Wolfgang
Sa pagmulat... ng aking mata
Ako'y ginising... ng ihip ng hangin
Ang sikat ng araw... nakakasilaw
makulay.
Sa tabing ilog
Parang may... tumatawag na pabulong...
Ako'y lumapit... sa puno'y... may natanaw
Dumilim ang araw...
(Chord pattern: G5-G#5, A5, G5-)
Bumigat bigla ang aking dibdib
Tibok ng puso'y bumilis
Ako'y hindi mapakali
Ako'y naduduwal...
Sa pagtitig ng kanyang mata
Ako'y kanyang hinusgahan
Ang ligaya kong naramdaman
Binawi sa akin.
Refrain
At hindi ko maalala
Kung saan galing ito
Mga bahid ng dugong
Dumikit sa aking mga kuko
Tumakbo, lumayo sa lugar na 'to
Lalamunan ko'y tuyong-tuyo
Tumakbo, lumayo sa titig mo
... sa mata ng Diyos...
Biglang umikot ang paningin
Liwanag ng araw biglang dilim
Malambing na ihip ng hangin
Ngayon ay matalim
Ako'y nawala sa aking sarili
Pati ang lupa'y gumanti
Bato, bundok at puro man
Sumisigaw, sumisigaw...
Refrain
At ngayon ko nakikita
Ang lahat ng kasalanan
Tinaboy sa ulan
Init at kamunduhan
Tumakbo, lumayo at magtago
...sa mata ng Diyos...
...mata ng Diyos.
Inalok ako ng isang ahas
Pula't matamis na mansanas
Pilit ko man hindi makaiwas
...sa mata ng Diyos.
