Kabit-kabit Lyrics
Sang by: Dream Girls
Chorus:
Kabit-kabit, akala mo’y walang sabit
Dami palang nakadikit
Kaliwa’t kanan ay nakakabit
Sa aming opisina, kumakalat mga chika
Mga lihim na istorya at nangyayaring himala
Pero aming nabisto, mga kasama sa trabaho
Dami nilang sikreto, ang daming nanloloko
Pakilala ng asawa
[repeat Chorus]
Ang bossing naming gwapo, mukhang laging seryoso
Kapag sya’y bumabyahe ay laging nagsosolo
Meron daw business meeting, meron daw aayusin
Hala, ay may ka-lodging, marami palang ka-loving
Mahal daw nya kanyang asawa
[repeat Chorus]
Merong intriga, biglang sumabog parang bomba
Nagkagulo sa opisina, nagsasama mga tsismosa
Ang bossing naming gwapo, mga boys nagtatrabaho
Affairs nila’y nabisto, ngayon ay problemado
Pamilya ay sinira na
[repeat Chorus]
Kabit-kabit, ngayon lahat sila’y sabit
Mga misis ay pumupuslit
Umiiyak para sa kabit
