Balita Lyrics

Sang by: Gloc9 & Gabby Alipe
Click here to download MP3 of "Balita"
Lapit mga kaibigan at makinig kayoakoy may dala dalang balita galing sa bayan konais ko ipamahagi ang mga kwento at mga pangyayaring nagaganapsa lupang pinangako.

Ako ay Filipino sa isip at sa gawa ngunit bakit mga pinuno puro lamang salita isang gobyerno  nakayang sikmurahing at magtawa na may mga pamilyang kumakaing na kulang sa dalawang beses sa isang arawminsan wala ngang panglugaw bakit ganito kababaw ang isang pagkaing nilangaw ang dadamputin at kakainin ng batang gutom alam ba ng mga husgadoat lahat ng hukom na meron mas masahol pa sa hatol ng kamatayan yan ay ikaw ay maging mahirap sa sariling mong bayan mga bata na ang ginagawa'y maglaro bagkus ay agos ng pawis at magbanat ng buto upang kumita ng ilang pirasongpisong madungis kalyo sa kamay at paa namanhid sa matulis hindi manika ang hawakng kanyang mumunting braso bagkus isang taong gulang kapatid at may baso sa harapanna nagbabakasali lagyan baryang pambili ng tinapay na panlaman sa tyan mga pinunobago mamatay at magkasakit sa sarap ng buhay sakin kayo ay makinig..

Lapit mga kaibigan at makinig kayoakoy may dala dalang balita galing sa bayan konais ko ipamahagi ang mga kwento at mga pangyayaring nagaganapsa lupang pinangako.

Mga bakal na dumudura ng apoy at ng tingga tangan tangan at balot ng kausutang pangdigmabakit di mapagtugma ang mayaman at  dukhasa pananaw ang kapalit ay hapis at pagluluksapare-pareho sundalo muslim man o kristyano ilan man ang masawi di mo alam sinong panalowalang panalo dahil sa huli tayo ay talo pinoy ang nasa loob ng ataol na sinaradoyan ba ang talaga ang sumpa dito sa lupang pinangakorespeto't pagmamahalan ay pilit na tinatagolawin hindi makadapo may pakpak na limitadoat nakakulong sa seldang may walang susing kandadokelan kaya matatapos ang pag-agos ng dugo at ang kapayapaan ay mahawakan ng buong buo yan ba angkwento o tanong na pilit na humahawi sa bawat taongbahagi ng watawat na inaapi.

Lapit mga kaibigan at makinig kayoakoy may dala dalang balita galing sa bayan konais ko ipamahagi ang mga kwento at mga pangyayaring nagaganapsa lupang pinangako.

Lapit mga kaibigan at makinig kayo

Click here to download MP3 of "Balita"

Other songs of Gloc9 & Gabby Alipe

Balita Θ